1. Home
  2. Politika
  3. Mga Politikal na Krisis

Hukom ibinasura ang injunction request para buwagin ang kampo ng protesters sa McGill

Nabigong ipakita ng plaintiffs na ang pagpoprotesta ay nagdulot ng irreparable harm ayon sa hukom

Isang lalaki nagbabasa ng mga sign.

Lalaki binabasa ang sign of demands na nakapaskil sa labas ng pro-Palestinian encampment na nakatayo sa kampus ng McGill University sa Montreal noong Martes.

Litrato:  (Christinne Muschi/The Canadian Press)

RCI

Ibinasura ng isang Quebec Superior Court judge ang provisional injunction request na pupuwersahin ang mga nagpoprotesta sa pro-Palestinian encampment sa downtown campus ng McGill University na umalis.

Ang encampment protest ay nandoon mula pa noong Sabado, at lumaki nitong mga nakalipas na araw.

Sinabi ng mga nagpoprotesta na sila ay determinadong manatili hanggang humiwalay ang unibersidad sa mga kompanya na may business interests sa Israel.

Dalawang estudyante ng McGill ang nag-file ng request noong Martes upang pagbawalan ng hukom ang mga pagpoprotesta sa loob ng 100 metro ng mga gusali ng McGill. Ang court filing ay pinangalanan ang limang pro-Palestinian groups.

Inakusahan ng plaintiffs sa kanilang court filing ang mga grupo na lumikha ng isang environment of hate sa kampus, na sinabi nila ay ginawa silang uncomfortable na pumasok sa mga klase at umattend ng exams. Sinabi rin nila na nahaharap sila sa harassment at intimidation mula sa defendants.

Wala sa mga paratang ang napatunayan sa korte.

Sa ruling ngayong Miyerkules, sinulat ni Justice Chantal Massé na nabigo ang plaintiffs na ipakita na ang mga protesta ay nagdudulot ng irreparable harm, o may anumang indikasyon sa puntong ito na intensyon ng mga demonstrador na harangan ang access sa exams sa mga gusali ng McGill.

Ang korte ay naniniwala na ang balance of inconveniences leans more toward the protesters, na ang freedom of expression at ang pagtitipon nang mapayapa ay maaapektuhan significantly, ayon sa ruling.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ni Antoni Nerestant (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita