1. Home
  2. Politika
  3. Mga Politikal na Krisis

Pro-Palestinian na mga estudyanteng demonstrador nagtayo ng kampo sa U of T

Pumasok ang mga estudyante sa area na binakuranan magdamag Huwebes

Kampo ng pro-Palestinian protesters sa University of Toronto.

Pro-Palestinian na mga demonstrador nagtayo ng kampo sa University of Toronto noong Huwebes.

Litrato: CBC / Paul Smith

RCI

Nagtungo ang pro-Palestinian na mga demonstrador sa isang greenspace sa downtown campus ng University of Toronto magdamag Huwebes, habang papalapit sa ikapitong buwan ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nagtayo ang grupo ng dose-dosenang tent sa King's College Circle. Ang lugar ay dating binakuranan para sa inaasahang convocation ceremonies na magaganap doon isang buwan mula ngayon, ayon sa unibersidad.

Ang pagkilos ay dumating habang ang mga estudyante sa mga unibersidad sa buong North America ay nagtaguyod ng sariling protest encampments upang idemanda ang pagwawakas ng nagpapatuloy na digmaan sa Gaza.

Sa isang pahayag, ang mga student protestor sa U of T ay sinabi na sila ay nananawagan sa post-secondary institution na tanggalin ang assets na sinu-sustain ang Israeli apartheid, occupation at illegal settlement ng Palestine. Idinemanda rin nila na putulin ng unibersidad ang kanilang ugnayan sa Israeli academic institutions na nag-o-operate sa loob ng okupadong West Bank.

PANOORIN | Sa loob ng student protest encampment:

Sinabi ng mga estudyante na hindi pinansin ng administrasyon ng unibersidad ang kanilang mga alalahanin bagama’t may naunang mga demonstrasyon at mga tangka na makipag-ugnayan.

Isang tagapagsalita para sa mga estudyante ng U of T ang nagsabi na maaari silang humarap sa consequences para sa kanilang partisipasyon sa protesta.

Noong Lunes, nagpadala ang mga administrador ng isang campus-wide email na nagbabala sa mga estudyante laban sa trespassing sa property ng unibersidad.

Nag-isyu ang isang grupo ng U of T faculty ng isang mahabang pahayag na sumusuporta sa mga estudyante ngayong Huwebes ng umaga.

Ang pahayag ay nilagdaan ng U of T chapters ng Jewish Faculty Network, Faculty for Palestine at Health Workers Alliance for Palestine.

Ang kampo sa U of T ang pinakahuli na umusbong sa Canada. Ang mga estudyante sa McGill University sa Montreal, Western University sa London, Ont., at University of British Columbia sa Vancouver ay nagtayo rin ng semi-permanent protest sites.

Isang mapa.Palakihin ang larawan (bagong window)

Encampments sa mga kampus ng Canadian universities.

Litrato: CBC

Sinabi ng mga participant na sinusubukan nilang kumuha ng atensyon para sa nagpapatuloy na humanitarian situation sa Gaza, na resulta ng pagtugon ng Israeli military sa nakamamatay na pag-atake na inilunsad ng Hamas at iba pang militante noong Oktubre 7.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita