1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Pagbabago ng Klima

Greenhouse gas emissions ng Canada umakyat noong 2022, matapos ang pandemic slowdown

Emissions para sa 2022 mas mababa kaysa pre-pandemic levels, ayon sa Radio-Canada

Usok mula sa tsimenea.

Ang oil at gas sector ang pinakamalaking source ng emissions noong 2022.

Litrato: La Presse canadienne / Jeff McIntosh

RCI

Ang greenhouse gas emissions ng Canada tumaas noong 2022, habang bumawi ang ekonomiya mula sa pandemic slowdown, ayon sa mga pigura na nakuha ng Radio-Canada bago ang anunsyo ng gobyerno ngayong araw.

Ipinakita ng bagong National Inventory Report data na naabot ng emissions ang 708 megatonnes sa taon na iyon, kumpara sa 698 megatonnes noong 2021.

Ngunit sinabi ng opisina ni Environment Minister Stephen Guilbeault na ang 2022 data ay isang nakakahiyakat na senyales, dahil ito ay mas mababa kaysa 2019, ang huling taon bago magpandemya nang kinompile ang emissions.

Noong taon na iyon, 752 megatonnes ng emissions ang prinodyus sa Canada — mas higit ng 44 kaysa 2022.

Sinabi ni Greenpeace spokesperson Patrick Bonin sa Radio-Canada na ang pagtaas ng emissions ay inaasahan dahil sa upswing sa ekonomiya, at ang magandang balita ay ang rebound ay mas mababa kaysa inaasahan.

PANOORIN | Climate policies ng Canada binabawasan ang emissions, ayon sa report:

Aniya ang missing link sa kasalukuyang climate plan ay ang cap sa emissions mula sa oil at gas sector. Noong Disyembre, nangako ang Liberal na gobyerno na ika-cap ang emissions mula sa oil at gas industry, ngunit hindi bago mag-2026.

Ang karagdagang mga detalye ng plano, at ang eksaktong timetable nito, ay inaasahan sa darating na mga buwan.

Ang oil at gas sector muli ang pinakamalaking source ng emissions sa Canada noong 2022, nag-account para sa higit 30 porsyento ng kabuuan. Ang emissions na may kaugnayan sa sektor ng transportasyon ang pumangalawa.

Nangako ang Liberal na gobyerno na babawasan ang emissions ng 40 porsyento below 2005 levels pagsapit ng 2030.

Ang plano na iyon nanawagan para sa 20 porsyento na reductions sa emissions mula 2005 levels pagsapit ng 2026 — sa 586 megatonnes. Ang projections na inilabas ng pederal na gobyerno noong nakalipas na taon ay ipinakita na ang Canada ay on track na maabot ang target na iyon.

Ang buong detalye ng National Inventory Report ay ilalabas ngayong araw.

Isang artikulo ni Laurence Martin (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita