1. Home
  2. Lipunan
  3. Edukasyon

Ontario pinabilis ang landas tungo sa apprenticeship para sa high school students

Ang Grade 11, 12 na mga estudyante maaaring igugol na ang mas maraming oras sa co-op courses

Mga lalaki na nag-aaral magkarpintero.

Tinataya ng probinsyal na gobyerno na kailangan ng Ontario ang dagdag na 500,000 skilled trades workers sa susunod na dekada upang maabot ang demand para sa critical infrastructure.

Litrato: CBC / Alexis Raymon

RCI

Ang mga high school na estudyante sa Ontario malapit na pahintulutan na igugol ang mas maraming oras sa apprenticeship pagtuntong ng Grade 11 at 12, kung pipiliin nila na mag-participate sa isang bagong skilled trades program.

Ipinahiwatig ni Ontario Education Minister Stephen Lecce noong nakalipas na taon na ang gobyerno ay kikilos patungo sa direksyon na iyon at, kasama si Ontario Labour Minister David Piccini, inilahad ang mga detalye noong Miyerkules.

Ang probinsya ay lilikha ng isang bagong stream sa loob ng kanilang Ontario Youth Apprenticeship Program na papayagan ang mga estudyante sa Grade 11 at 12 na igugol ang 80 porsyento ng kanilang oras sa co-op courses na naglalayong pabilisin ang kanilang pagpasok sa skilled trades.

Sinabi ni Lecce na ang mga estudyante ay kailangan pa rin kumuha ng math at English courses.

Ang bagong stream ay nakatakdang magsimula sa Setyembre 2025.

Sinabi ni Piccini na upang maabot ang demands ng pagtatayo ng kritikal na imprastraktura, ang probinsya ay mangangailangan ng 500,000 katao pa sa skilled trades sa susunod na dekada.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita