1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Pagrekrut ng Canada sa foreign students nabigong tapatan ang labour market needs

Halos 800,000 international students nakakuha ng permit para mag-aral ng business, kaysa health care o trades

Akash Singh nakatingin sa camera.

Akash Singh, isang international student mula India, nakumpleto ang kanyang dalawang taon na business program sa isang kolehiyo sa Ontario, sa halagang $34,000. Nakakuha lang siya ng trabaho bilang security guard at fast-food worker.

Litrato: CBC / Aloysius Wong

RCI

Ang pagrerekrut ng Canada sa mga international student mas nakatuon sa pagpuno sa spots sa business programs, hindi masyadong natugunan ang demand para sa mga manggagawa sa health care at skilled trades, ayon sa isang analysis ng pederal na datos.

Nakuha ng CBC News ang datos mula sa Immigration, Refugees and Citizenship Canada na nagpapakita ng mga larangan ng edukasyon na pinili ng foreign students na nabigyan ng study permits mula sa Canada upang pumasok sa kolehiyo o unibersidad bawat taon mula 2018.

Sinabi ng mga eksperto na inilarawan ng datos na wala sa pederal o probinsyal na gobyerno — o mga Canadian na kolehiyo o unibersidad mismo — ang nagpokus sa pagrerekrut ng international students na pupuno sa pinakamatinding pangangailangan sa mga manggagawa ng bansa.

Ang talagang nakikita natin sa datos na ito ay ang kakulangan ng oversight, ani Rupa Banerjee, isang associate professor sa Toronto Metropolitan University na umaakto bilang Canada Research Chair sa economic inclusion ng mga imigrante.

Ang datos, na hindi isinapubliko dati, ipinakita na ang business-related programs na nag-a-account para sa 27 porsyento ng lahat ng study permits ay inaprubahan mula 2018 hanggang 2023, mas marami kaysa anumang ibang larangan.

Sa parehong panahon na iyon, anim na porsyento lamang ng lahat ng permits para sa foreign students ang ibinigay para sa health sciences, medicine, o biological at biomedical sciences programs, habang ang trades at vocational training programs nag-account para sa 1.25 porsyento.

Ani Banerjee ipinapakita ng datos na napakaraming foreign students ang inakit ng Canada para sa post-secondary programs na maliit lang ang tsansa na makapasok ng magandang trabaho sa in-demand field.

Imbes na talagang subukan na dalhin ang best and the brightest upang punan ang labour market gaps na dapat punan, ang ginagawa natin ay dinadala ang low-skill, low-wage, expendable at exploitable temporary foreign workers sa anyo ng mga estudyante, ani Banerjee.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita