1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Relations

Canada dinagdagan ang international aid habang ang ibang G7 binawasan ang kanila

Nangako ang pederal na gobyerno na dadagdagan ang aid ng $150M sa current fiscal year

Mga bata at matanda hawak ang mga lalagyan ng pagkain.

Ang Palestinians pumila para sa libreng makakain sa Rafah, Gaza Strip on Peb. 16 (archives).

Litrato: (Fatima Shbair/The Associated Press)

RCI

Ang foreign aid groups pinuri ang pagbabalik ng pederal na gobyerno ng Canada sa polisiya ng pagtataas sa humanitarian at development spending kada taon, habang humiling ng isang plano upang itulak ang mga kaalyado na baliktarin ang pagbaba ng global aid.

Nangako ang mga Liberal noong Martes sa budget na tataasan ang humanitarian aid ng $150 milyon sa kasalukuyang fiscal year at $200 milyon sa susunod na taon.

Hindi kinumpirma ni International Development Minister Ahmed Hussen ang kabuuang halaga ng foreign aid ng Canada, bagama’t si Kate Higgins, ang pinuno ng Cooperation Canada, sinabi na ang kabuuan ay nasa higit $7 bilyon ngayong taon, at $7.2 bilyon sa susunod na taon.

Ahmed Hussen.

International Development Minister Ahmed Hussen

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

Nahaharap ang mga Liberal sa walang katapusang batikos mula sa aid sector noong nakaraang taon nang sila ay nagtabi ng $6.9 bilyon na pondo para sa development at humanitarian needs, isang 15% na pagbaba mula previous year.

Nangako ang gobyerno ni Trudeau na tataasan ang foreign aid bawat taon habang sila ay nakaupo sa kapangyarihan, ngunit sinabi ng mga Liberal na sila ay gumawa ng bukod-tanging increases sa aid spending para i-account ang COVID-19 na pandemya at digmaan sa Ukraine, na kalaunan ay lumagpas sa $8 bilyon.

Tinanong ang Global Affairs Canada upang kumpirmahin kung ang kabuuang halaga ng aid para sa taong ito ay $7 bilyon nga. Sinabi ni Higgins na kailangan ng gobyerno na maging mas transparent kung paano nito nire-report ang data.

Ang bagong humanitarian funding ay dumating sa tinatawag ni Higgins na unprecedented state of need and complexity, na may mga pangunahing digmaan sa Gaza Strip, Ukraine at Sudan, kasama ang labanan at mass migration sa Myanmar, Nigeria at Venezuela.

Ang mga bansa na kilala para sa kanilang aid spending tulad ng U.K. at France binawasan ang kanilang foreign aid, binanggit ang pressure sa kanilang domestic economies. Sinabi ng UNICEF Canada na halos isang-kapat ng mga bata sa mundo ay nabubuhay o tumatakas mula sa mga lugar na may giyera.

Sinabi ni Hussen na ang aid ng Canada ay magpapatuloy na magpokus sa pagsuporta sa mga kababaihan at tulungan sila na lumikha ng mga kondisyon para sa kapayapaan.

Pinagtibay ng budget ang mga pangako ng Canada na itulak ang mga reporma sa multilateral financing institutions tulad ng World Bank. Ang layunin ay tulungan ang mahihirap na bansa na makatakas mula sa debt traps at sa pinansyal na pasanin dulot ng mapaminsalang mga likas na sakuna, at kumilos tungo sa pagkakaroon ng kakayahan na mag-invest sa imprastraktura na mas resilient sa climate change.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita